Paglikha ng mas maraming trabaho
BAKIT MAHALAGA ANG PAGLIKHA NG MAS MARAMING TRABAHO PARA SA ATING MGA MAMAMAYAN?
Sa pilipinas, isa ang trabaho sa mga problema na ating kinakaharap. Nagkalat ang mga pilipinong walang trabaho nang dahil sa kakulangan sa kakayahang makapasok o ma-employ sa mga kompanya, at madaming bagay ang nagiging dahilan para dito. Isa na ang pagkakaroon ng mataas na standard ng mga kompanya para sa kanilang mga kukuhaing manggagawa. Sa pag kakaroon o pag likha ng maraming trabaho para sa mga manggagawang pilipino, maraming tao ang matutulungan na makapag hanap ng trabaho, at sa pamamagitan nito, maraming pamilya ang maaaring makaalis sa kahirapan. Maaari din nitong magpalakas ng pagpapalawak ng ekonomiya at mapababa ang kawalan ng trabaho, at maaring mapababa nito ang crime rate sa Pilipinas dahil hindi na kailangan ng iba na tumugon sa pinagbabawalan na bisyo upang magkaroon ng pamumuhay.
Ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho ay nagbibigay sa mga tao, lalo na sa mga nasa mahihirap na lugar, ng mga mas mabuti na paraan upang kumita ng pera. Kasabay nito ay mababawasan ang crime rates sa ating bansa dahil lumiliit ang pangangailangan ng mga tao upang gumawa ng mga krimen tulad ng pagnanakaw, pagbenta ng sarili nilang katawan, o ang pagbenta ng droga. Karamihan sa mga pilipino na nakararanas ng paghihirap ngayon ay mas pinipiling tahakin ang hindi marangal na paraan para kumita ng pera para sa kanilang mga pangangailangan, maraming magsasabi na maari naman silang magtrabaho, totoo ito ngunit karamihan sa ating mga negosyante ay may mga requirements na hindi maabot ng ating mga mamayang filipino na hindi napalad na makapagtapos ng pagaaral.
Isa rin sa mga magagandang maidudulot ng paglikha ng mas maraming trabaho ay ang pag-unlad ng lokal na ekonomiya sa kadahilanang mas nagkakaroon ng oportunidad ang mga tao na kumita, tumaas ang kanilang purchasing power, at mas dumadaloy ang pera sa iba't ibang sektor ng komunidad. Dahil dito ang ating lokal na ekonomiya ay suguradong aangat at magkakaroon ng madaming negosyo na makapagbibigay pa ng mas maraming trabaho para sa mga unemployed o mga taong walang trabaho.
Alam naman nating lahat na ang pagpapalakas ng mga negosyo at industriya sa lokal na antas ang nagbibigay ng trabaho, nagtataas ng kita, at nagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Ngunit hindi ganoon kadali na makamit ang ganitong uri ng pag-unlad sapagkat nangangailangan ito ng masusing pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Ilan sa mga bagay na maaaring gawin ay ang pagsuporta sa mga maliliit at katamtamang laki ng negosyo, pagpapabuti sa imprastraktura, pagpapalakas ng edukasyon at pagsasanay, at pagtataguyod sa turismo. Kung mas maraming trabaho ang gagawin ng gobyerno ay siguradong gaganda ang ekonomiya ng bansa. Sa kadahilanang kapag mas marami ang nag tratrabaho sa isang bansa ay tataas ang supply ng produkto na kailangan ng mga tao at serbisyo at dahil dito ay tataas naman ang demand na maaaring mag resulta sa mataas na presyo ng bilihin ngunit ito ang mag uudyok sa mga negosyante na gumawa ng pa ng mas maraming produkto at serbisyo na mag bibigay pa ng mas maraming trabaho sa ating mga mamamayan. Sa ganitong paraan, maaaring mapaunlad ang lokal na ekonomiya kung tayo ay magtutulungan.
Sa kabilang banda, ang pag likha ng maraming trabaho ay maaaring magdulot ng mga negatibong bagay. Gaya na lamang ng pagkakaroon nh low-quality jobs, ang mga trabahong ito ay karaniwang may mababang sahod, hindi kasiguraduhan sa trabaho, at kulang sa mga benepisyo tulad ng health insurance, leave benefits, at retirement plans.
Paano ko nasabi na magkakaroon ng low quality jobs? Dahil dadami ang mga employado, madaming mga negosyo na binababaan ang sahod, para mas dumami ang kanilang mga empleyado. Ngunit lahat ng ito ay mga bagay na masosolusyunan, kagaya nga ng sinabi ko mas maraming trabaho mas gaganda ang ating ekonomiyaz at sa pagyabong ng ating ekonomiya mas maraming benepisyo, health insurance, leave benefits, at retirement plans ang maiibibigay sa ating mga mamamayang naglilingkod o nagtratrabaho sa ating bansa.
Sa huli, ang paglikha ng mas maraming trabaho ay isa sa mahalagang hakbang upang mabawasan ang kahirapan at mapalago ang ekonomiya ng Pilipinas. Kahit may mga hamon tulad ng posibilidad ng low-quality jobs, ang tamang suporta mula sa gobyerno at pribadong sektor ay makakatulong upang mabigyan ng dekalidad na trabaho ang mga manggagawa. Sa pamamagitan din ng kolaborasyon at patuloy na pagpapabuti sa edukasyon, gobyerno, benepisyo, at iba pa, masisiguro ang mas maayos na pamumuhay para sa lahat. Ang pagkakaroon ng mas maraming dekalidad na trabaho ay hindi lamang makakapagpaunlad ng mga Pilipino kundi pati na rin ng buong bansa.
Comments
Post a Comment