Paglikha ng mas maraming trabaho
BAKIT MAHALAGA ANG PAGLIKHA NG MAS MARAMING TRABAHO PARA SA ATING MGA MAMAMAYAN? Sa pilipinas, isa ang trabaho sa mga problema na ating kinakaharap. Nagkalat ang mga pilipinong walang trabaho nang dahil sa kakulangan sa kakayahang makapasok o ma-employ sa mga kompanya, at madaming bagay ang nagiging dahilan para dito. Isa na ang pagkakaroon ng mataas na standard ng mga kompanya para sa kanilang mga kukuhaing manggagawa. Sa pag kakaroon o pag likha ng maraming trabaho para sa mga manggagawang pilipino, maraming tao ang matutulungan na makapag hanap ng trabaho, at sa pamamagitan nito, maraming pamilya ang maaaring makaalis sa kahirapan. Maaari din nitong magpalakas ng pagpapalawak ng ekonomiya at mapababa ang kawalan ng trabaho, at maaring mapababa nito ang crime rate sa Pilipinas dahil hindi na kailangan ng iba na tumugon sa pinagbabawalan na bisyo upang magkaroon ng pamumuhay. Ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho ay nagbibigay sa mga tao, lalo na sa mga nasa mahihirap na lugar...